Lady guard, huli sa boga sa MRT

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Arestado ang babaeng pasahero sa MRT makaraang mabuking sa X-ray machine ang bitbit niyang baril sa pagsakay niya sa Taft Avenue station ngayong Biyernes.

MRT

Iniimbestigahan si Emelyn Batocabe Zapra, nasa hustong gulang, security guard ng Advance Forces Security and Investigation Services Inc., at nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa ulat, hinarang si Zapra ng mga guwardiya ng MRT-3 Taft Avenue station matapos na madiskubre ni Michael Mendez, sa pamamagitan ng X-ray machine, ang baril sa loob ng backpack ng suspek, bandang 7:35 ng umaga.
Katwiran ni Zapra, nakalimutan niyang inilagay niya sa kanyang bag ang .9mm caliber pistol, na may walong bala, na gamit niya sa trabaho.

Aniya, matapos ang kanyang duty ng 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, agad siyang nagtanggal ng uniporme at mga gamit sa isang banyo sa airport, at inilagay ang baril sa kanyang bag.
Sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek.

-Bella Gamotea