Jasmine, ‘di choosy sa projects

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAPUPURI mo si Jasmine Curtis Smith dahil tumatanggap siya kahit ng maikling role lang, basta alam niyang tatatak ito sa isipan ng mga manonood.

Jasmine copy

Isang example ay itong bago niyang epic-serye sa GMA, ang Sahaya.

“Yes po, sa pilot week po lang ako mapapanood as I play the young Manisan, ang mother ni Sahaya,” kuwento ni Jasmine sa mediacon ng serye.

“Isa po akong Badjao na mai-in love sa isang Kristiyano, si Howard, na gagampanan naman ni Gil Cuerva. Pero pagkatapos niya akong mabuntis, basta na lang niya sinabing hindi siya puwedeng pakasal sa isang Badjao at iniwan na niya ako, na hindi niya alam ay dala-dala ko na ang anak namin.

“Ang ganda po ng story, na after akong iwan ni Howard, ipinakita ko na kung gaano ko minahal si Sahaya. Ipinakita ko kung gaano kalakas ang loob niya at tinuruan ko siya ng kagandahang-asal.

“Bukod pa sa story, ipinakita rin nila sa amin ang set na itinayo sa Calatagan, Batangas. Para sa akin, refreshing po naman makakita ng ganoon sa isang teleserye at kahit po sa teaser na ipinakita nila sa amin, alam kong magugustuhan ito ng mga manonood.

“Sayang nga lang na hindi ko nakasama sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, pero during the Badjao dance rehearsal namin para sa serye, nakasama ko sila.”

May exclusive contract si Jasmine sa GMA kaya wala siyang problema kung may kasunod na rin agad ang Sahaya. Unexpected nga raw niya na may bago agad siyang serye, dahil katatapos lang ng first teleserye niya sa network, ang rom-com na Familia Roces.

Open din si Jasmine sa kahit anong project na challenging at kahit sino ang kanyang magiging leading man.

Sa Monday, March 18 na ang world premiere ng Sahaya after ng Kara Mia.

-NORA V. CALDERON