‘Inagaw Na Bituin’, ‘Kara Mia’ cast sa Araw ng Dabaw

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

JOIN ang cast ng Inagaw Na Bituin, Kara Mia, at TODA One I love sa month-long-celebration ng Araw ng Dabaw ngayong March 15 at March 16, courtesy ng GMA Regional TV.

Ngayong Biyernes, ang lead stars ng Inagaw Na Bituin na sina Kyline Alcantara at Therese Malvar together with their co-star Manolo Pedroza ang magbibigay kasiyahan sa kanilang Dabawenyo fans in an afternoon of fun and kilig sa Kapuso mall show na gaganapin sa Gaisano Mall Toril Davao City, na magsisimula ng 3:00 ng hapon.

Sa susunod na araw naman, Sabado (March 16), sasakay sa Kapuso float sina Kyline, Therese at Manolo. Babaybayin nila ang mga kalsada sa Davao City para sa Parada Davaoeña na magsisimula ng 6:00 ng umaga.

Sa kinahapunan naman sa araw rin na yon ay magbibigay kilig din ang Kara Mia at TODA One I Love cast as in back-to-back kilig habang nasa loob sila ng SM City Davao, na pangungunahan nina Barbie Forteza, Mika dela Cruz, Jak Roberto at Paul Salas sa parte ng Kara Mia, at sa TODA cast naman ay sina Kylie Padilla at David Licauco with matching Joel Palencia on the side na mag-i-start ng 4:00 ng hapon.

“We at GMA Regional TV has always been supportive of Davao City’s Araw ng Dabaw,” says GMA Regional TV Department Vice President and Head Oliver Amoroso.

-Mercy Lejarde