Bianca, dream maging sirena

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MERMAID ang dream role ni Bianca Umali. At bagamat hindi pa dumarating sa kanya ang pinapangarap niyang role, parang mermaid na rin ang ginagampanan niya sa epic-drama series ng GMA-7 na Sahaya.

Bianca

“Before, I dreamed of being a mermaid, and never in my wildest dreams have I thought that I would get a role which is Sahaya. Yes, hindi po siya mermaid, pero mahal na mahal po niya ang dagat at buhay niya ang pagsisid.

“It’s actually very exciting for me kasi I love the water. I think that’s why parang meron akong personal na connection with Sahaya’s character,” pahayag ni Bianca.

Kahit marunong lumangoy, kailangan pa ring mag-training ni Bianca ng free diving at scuba diving, plus may dance lesson pa sila ni Miguel Tanfelix at may lesson din sa culture ng mga Badjao, na kanilang ginagampanan.

Ang role niya sa Sahaya ang ikino-consider ni Bianca na most challenging role niya sa telebisyon, dahil kailangan niyang maghanda physically and emotionally. Nagpapasalamat ang aktres na inihanda muna siya sa gagampanang role bago magsimula ang taping.

Idagdag pa ang guidance ni Direk Zig Dulay at ang malinaw na pagpapakilala sa karakter ni Sahaya, ayon sa panulat ng head writer na si Suzette Doctolero, kaya nagabayan si Bianca sa taping.

Sa Monday, March 18, pagkatapos ng Kara Mia, ang worldwide premire ng Sahaya na sa first teaser pa lang na inilabas ng network ay gumawa na ng ingay online.

-Nitz Miralles