2 pang K-pop stars, sangkot din sa sex scandal

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Dalawa pang K-pop stars ang nag-quit na sa showbiz nitong Huwebes habang patuloy na lumalala ang sex video scandal sa South Korean music industry.

Yong Jun-hyung

Yong Jun-hyung

Tumiwalag na si Yong Jun-hyung, 29, sa boy band niyang Highlight — dating Beast — matapos niyang aminin na pinanood niya ang mga video ng singer-songwriter na si Jung Joon-young habang nakikipagtalik sa mga babae, na walang malay na kinukuhanan sila ng video, ayon sa kanyang agency.
Makalipas ang ilang oras, inihayag ng manager ni Choi Jong-hoon, 29, miyembro ng FT Island, ang kanyang retirement at kinumpirmang iimbestigahan siya ng pulisya sa huling bahagi ng linggong ito kaugnay ng mga “suspicions” na sangkot din siya sa eskandalo.
Pinaniniwalaang kasali si Jong-hoon sa online chatroom kung saan na-share ni Joon-young ang nasabing footage — gayundin ang mega K-pop star na si Seungri.
Kapwa nagpahayag na rin ng pagreretiro sa show business sina Seungri at Joon-young ngayong linggo.
Huwebes nang sumalang sa interogasyon ng pulisya si Joon-young, 30, kaugnay ng mga video, habang si Seungri — miyembro ng boy band na BIGBANG at maraming business interests — ay kinausap din sa pagbibigay umano ng mga prostitutes sa kanyang mga potential investors.
Kapwa humingi ng tawad ang dalawa sa “all Korean citizens” nang sumuko sila sa pulisya at nangakong makikipagtulungan sa imbestigasyon.

AFP