Sismundo, kakasa sa undefeated Russian

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

MASUSUBOK ang kakayahan ng walang talong si Russian world ranked Maxim Dadashev sa pagkasa kay Filipino journeyman Ricky Sismundo sa Marso 23 sa The Hangar, Costa Mesa, California sa United States.

Bagamat may tinalo nang dalawang ex-world champion si Dadashev sa katauhan nina ex-WBA lightweight champion Darlys Perez ng Colombia at dating WBC lightweight titlist Antonio DeMarco ng Mexico, ngayon lang siya makakaharap sa PIlipinong lumaban na sa iba’t ibang panig ng daigdig at nagpahirap sa mga tulad nina dating word rated Jose Felix Jr,, ex-world title challenger Dierry Jean ng Haiti at ex-world ranked Ghaslain Maduma ng Congo.

May magandang rekord si Dadashev na 12 panalo, 10 sa pamamagitan ng knockouts at pinakabagong star ng Top Rank Promotions sa super lightweight division.

May kartada naman si Sismundo na 35-12-3 na may 17 pagwawagi sa knockouts at karamihan sa mga talo niya ay sa puntos sa world class boxers

-Gilbert Espeña