San Juan at Bulacan, angat sa CBA

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Team Standings

General Trias 3 0
Manila 2 0
San Juan 4 1
Bulacan 3 1
Parañaque 2 1
San Mateo 2 1
Binangonan 2 2
Pasigueño 2 2
Quezon City 1 2
Malabon 1 3
Marikina 0 1
Rizal 0 1
Novo Ecijano 0 3
Rizaba 0 4

KUMUBRA ng panalo ang San Juan at Bulacan para patatagin ang kani-kanilang kampanya sa Community Basketball Association (CBA) Founder’s Cup basketball tournament nitong weekend sa Malolos Sports and Convention Center Complex.

Naisalba ng San Juan ang matikas na pakikihamok ng Quezon City, 88-85, habang kumana ang Bulacan sa krusyal na sandali tungo sa 88-83 panalo kontra Novo Ecijano.

Nanguna si Jhonard Clarito sa San Juan sa naiskor na 18 puntos, 11 rebounds at limang assists, habang umiskor si Joseph Marquez ng 17 puntos at 13 boards para sa ikaapat na panalo sa limang laro ng Knights Exile.

Tinanghal na “Best Player of the Game” si Clarito.

Hataw din sa Big J Sports-powered Knights Exile sina Noah Lugo, may 13 puntos, pitong rebounds at limang assists at Joshua Saret, na may 11 puntos at 10 assists.

“Yun team defense talaga namin ang susi ng panalo. Talagang nakahanda yun mga players sa physicality ng laro. Bawat laro, may nag-step para mag-lead,” pahayag ni San Juan coach Randy Alcantara.

“I think our kind of defense will define our campaign in this inaugural CBA tournament,” aniya.

Nanguna si Alvin Alday sa Quezon City na may 19 puntos at siyam na rebounds, kasunod sina Clark Derige na may 18 puntos at game-high 19 rebounds.

Umani naman sa Bulacan si Marlon Monte sa naiskor na 20 puntos. Bagsak ang Bulacan sa 3-1 karta.

Kabuuang 14 koponan ang sumasabak sa weekend-only tournament na inorganisa ni actor-director Carlo Maceda, kasama sina PBA legend Pido Jarencio bilang adviser at Beaujing Acot bilang operations manager.

Mapapanod angmga laro sa Facebook live via Glitter Livestream.

Iskor:

(Unang Laro)

San Juan (88)--Clarito 18, Marquez 17, Lugo 13, Saret 11, Aguirre 8, Reyes 8, Bonifacio 6, Bunag 4, Astrero 2, Ubalde 1, Acol 0, Garcia 0.

Quezon City (85) –-Alday 19, Derige 18, Tayongtong 12, Mabayo 8, Gabo 8, De Guzman 6, Belosillo 5, Barua 4, Santiago 3, Matias 2.

Quarterscores: 24-17, 44-42, 73-59, 88-85.

(Ikalawang Laro)

Bulacan (88) — Monte 20, Doroteo 16, Saldana 10, Mohammad 10, De Mesa 10, Dela Cruz 8, Velchez 4, Magbanua 3, Gozum 3, Necio 3, Salamat 1, Pama 0m

Novo Ecijano (83) — Pedrosa 15, Reyes 13, Tolentino 11, Ferreria 10, JeJilos 8, Cabigao 7, De Guzman 5, Baldeh 5, Poblete 4, Jomento 3, Sembrano 2, Villamayor 0, Corpuz 0.

Quarterscores: 20-23, 47-47, 68-65, 88-83.