Pacio vs Catalan: ‘It Will Be An Honor’

Filed under MMA, ONE Championship Balita RSS RSS Feed

Kahit nakatakda na si Joshua “Passion” Pacio na makaharap sa isang rematch ang reigning ONE Strawweight World Champion Yosuke “Tobizaru” Saruta, hindi pa rin maalis sa isip niya ang makatapat ang isa pang contender sa division.

Pinatunayan ni Rene “The Challenger” Catalan ang kanyang sarili para sa isang World Title sa hinaharap matapos niyang talunin ang dating World Champion na si Yoshitaka “Nobita” Naito sa ONE: REIGN OF VALOR noong Biyernes, Marso 8.

“My initial reaction was that I was really proud that we have a fellow Filipino who just beat a former world champion,” sabi niya.

“I was surprised with how he defeated Naito. Je is the only martial artist to dominate Naito like that. He was really focused on winning that fight.”

Sa tingin ni Pacio ay si Catalan na dapat ang susunod na magkakaroon ng tsansa para sa World Title kahit ano pa man ang maging resulta sa laban nila ni Saruta.

“I honestly think that he has earned a shot at the world title after that performance, but it is still up to ONE Championship if they will give him the opportunity,” pahayag ni Pacio.

“What I know for sure is that he will closely watch my rematch against Yosuke Saruta.”

Nakuha na ni Pacio ang ONE Strawweight World Title sa isang rematch kay Naito noon sa ONE: CONQUEST OF HEROES noong Setyembre 2018 pero pagkalipas ng ilang buwan ay natalo siya ni Saruta sa ONE: ETERNAL GLORY.

“It would be an honor and a privilege to share the cage with him should I win the belt again.”