1 tepok, 2 sugatan sa Cebu fire

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Nasawi ang isang 65-anyos na lalaki habang sugatan naman ang dalawang kamag-anak nito nang masunog ang kanilang bahay sa Cebu City, kahapon ng madaling araw.

FIRE images (2)

Sa inisyal na report ng Cebu City-Bureau of Fire and Protection(CC-BFP), sunog ang katawan ni Mario Abella, nang matagpuan ito ng mga bumbero.

Ginagamot pa sa ospital ang isang 34-anyos na babae dahil sa lapnos sa katawan at isang pitong buwang gulang na sanggol na nasunog naman ang kaliwang kamay at likod.

Natukoy ni Cebu City Fire Marshal, Chief Insp. Noel Ababon, sumiklab ang sunog sa bahay ng tatlo at mabilis na kumalat ito sa mga katabing bahay na gawa lamang sa light materials, dakong 2:32 ng madaling araw.

Ayon kay James Adorable, posibleng sanhi ng sunog ang nakalimutang pinakuluang tubig ng lolo nito (Abella).

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang arson investigator upang madetermina ang halaga ng natupok.

-Fer Taboy