Manila at Pasig, kumasa sa CBA

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Team Standings

W L

Gen. Trias 3 0
Manila 2 0
San Juan 3 1
Bulacan 2 1
Parañaque 2 1
San Mateo 2 1
Binangonan 2 2
Pasigueño 2 2
Quezon City 1 1
Malabon 1 3
Marikina 0 1
Rizal 0 1
Novo Ecijano 0 2
Rizaba 0 4

SINANDIGAN ni Algie Chavenia ang ratsada ng Pasig sa krusyal na sandali para maungusan ang Marikina, 83-82, sa overtime sa Community Basketball Association (CBA) Founders’ Cup basketball tournament nitong Sabado sa Pasig Spirts Complex.

Hataw si Chavenia ng 25 puntos, tampok ang anim sa extra period para sa ikalawang sunod na panalo ng Pasigueno sa 14-team , community-based tournament na inorganisa ni actor-director Carlo Maceda.

Pinangunahan ni Chavenia, naglalaro rin sa Diliman College sa MBL at Fr. Martins Cup, ang 7-0 run ng Pasigueño para sa 77-71 bentahe sa unang dalawang minuto ng extra period.

Naisalpak ni Eloie Tan ang three-point shot sa Marikina para sa final count ng laro.

Nagt-ambag si Jim Reyes ng 12 puntos sa Pasigueño.

Nanguna si Angelico de Guzman sa Marikina na may 22 puntos, habang kumana si Ryan Costelo ng 13 at may 12 puntos si Jhone Amansec.

Naitala rin ng Manila ang ikalawang sunod na panalo nang pabagsakin ang Binangonan, 90-83.

Nagkatuwang na nagsalansan ng krusyal na puntos sina Mark Christian Yu, Arben Dionson, Almel Orquina, Aldrich Liwag at Wowie Escosio para sa Sausage Kings at sundan ang 95-89 panalo sa kanilang dubut match kontra Pasigueño nitong Marso 2.

Iskor:

(Unang Laro)

Manila (90) — Yu 20, Dionson 16, Orquina 11, Liwag 10, Escosio 8, Morales 8, De la Cruz 5, Martinez 4, Castillo 2, Tubera 2, Valencia 2, Marangan 2, Nitafan 0.

Binangonan (83) — Chavez 19, Dionisio 13, Agulto 11, Picones 11, Alade 8, Cuyong 8, Colot 6, Tumalon 3, Laosymtales 3, Leal 1, Anore 0, Roca 0, Valle 0.

Quarterscores: 16-17, 42-34, 64-54, 90-83.

(Ikalawang Laro)

Pasigueño (83) — Chavenia 25, Reyes 12, Jacinto 8, Clarences 8, Ronquillo 6, Fajardo 6, Boholano 5, Rodriguez 4, Malinao 3, Pinili 3, Gallano 2, Trinidad 1, Styn 0.

Marikina (82) — De Guzman 22, Costelo 13, Amansec 12, Tan 10, Santos 10, Limin 7, Tarucan 5, Campos 2, Fortuno 1, Eulalia 0, Ramos 0, Penaflorisa 0, Testado 0, Diamante 0, Girado 0.

Quarterscores: 19-23, 37-36, 49-56, 71-71, 83-82.