Pulis todas, 1 pa sugatan sa NPA attack

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

TACLOBAN CITY – Patay ang isang pulis habang sugatan ang isa pang kasamahan nito nang ambusin sila ng mga pinaghihinalaang niyembro ng New Peoples’ Army (NPA) sa Motiong, Samar, kahapon ng umaga.

NPA ATTACK images (2)

Binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente si PO3 Glenn Meniano dahil sa mga tama ng bala sa katawan at sugatan naman ang kasamahang si PO1 Jane Abejar dahil sa tama ng bala sa kanang hita.

Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, pabalik na ang dalawang pulis sa kanilang istasyon sa nasabing bayan, sakay ng patrol car, dala ang kanilang inigib nang bigla silang pagbabarilin ng umano’y grupo ng mga rebelde sa Maharlika Highway sa Barangay Uno, dakong 7:00 ng umaga.

Ayon sa imbestigador, hindi na nakalaban ng dalawa dahil sa bilis ng pangyayari.

Tinutugis pa ng mga tauhan ni Police Regional Office 8 operations division chief, Senior Supt. Nicolas Torre III ang grupo ng mga rebelde.

-Marie Tonette Marticio