Rebelde, todas sa Masbate encounter

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CAMP ELIAS ANGELES, Camarines Sur – Napatay ang isang umano’y kaanib ng komunistang New People’s Army (NPA) nang makasagupa ng grupo nito ang tropa ng pamahalaan sa Barangay Gangao, Baleno, Masbate, nitong Sabado ng umaga.
Inihayag ni Capt. Joash Pramis, tagapagsalita ng 9th Infantry Division (9ID), hindi pa nakikilala ang nasawing rebelde.
ENCOUNTER download (7)
Sugatan naman sa sagupaan ang isang sundalong miyembro ng 2nd Infantry Battalion (IB).
Sinabi ni Pramis, nagpapatrulya ang nasabing military unit at 1st Masbate Mobile Force Company sa Bgy. Gangao nang makasagupa nila ang grupo ng NPA, dakong 9:40 ng umaga.
Narekober sa lugar ng pinangyarihan ng bakbakan ang isang M-16 Armalite rifle, isang Molotov bomb, tatlong rifle grenade, at mga bala ng M203.

Niño N. Luces