P30-M shabu, nasabat sa Cebu

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Natimbog ang isang umano’y big-time na tulak ng ilegal na droga nang makumpiskahan ng P30-milyon halaga ng shabu sa isang operasyon kontra-droga sa Cebu City, nitong Biyernes.

SHABU images

Ayon sa Cebu Police Provincial Office (CPPO), nakapiit na ang suspek na si Raven Donza, 20, ng Barangay Duljo ng nasabing lungsod.
Sa ulat ni Mambaling Police Station chief, Senior Insp. Renz Talosig, dinakip si Donza nang bentahan nito ng P30 milyong halaga ng droga ang police poseur buyer sa C. Padilla Street, Bgy. Duljo, Fatima.
Nagsasagawa pa rin ng follow up operations ang mga awtoridad laban sa mga kasabwat ng suspek.
Ang suspek ay nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Fer Taboy