3 pulis, 2 sundalo sugatan sa bakbakan

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Sugatan ang tatlong pulis at dalawang sundalo matapos nilang makasagupa ang grupo ng mga rebelde sa Infanta, Quezon, nitong Biyernes ng umaga.

SAGUPAAN images

Sa report ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), kinikilala pa ang tatlong pulis at dalawang sundalo na pawang isinugod sa ospital dahil sa kanilang mga sugat sa katawan.
Sa ulat ng mga awtoridad, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Philippine Army (PA) at Special Action Force (SAF) sa Sitio Little Baguio, Barangay Magsaysay nang makasagupa ang mga rebelde, dakong 8:08 ng umaga.
Dakong 3:05 ng hapon, nakaengkuwentro rin ng militar ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Bgy. Villa Bacaob sa Lopez ng nasabing lalawigan.
Tumagal lamang ng 20 minuto ang bakbakan hanggang sa umatras ang mga rebelde patungong Sitio Tanauan, Magsaysay.

Danny Estacio