Park, mapagpakumbaba bilang No.1

Filed under Golf Balita RSS RSS Feed

NABAWI ni Korean Sung Hyun-Park ang pagiging world No.1 at mapagpakumbaba niyang inamin na kailangan ang sakripisyo para manatili sa ibabaw ng ranking.

Park

Park

At sa misyon na manatili angat sa iba, ipinahayag ng Solaire Resort and Casino nitong Martes ang pagpili sa 25-anyos na si Park bilang pinakabagong ‘brand ambassadress.

“I don’t think I will have an easy time this week. I should do my best and just keep playing my own game like I always do – as I do in every tournament,” pahayag ni Park, patungkol sa sunod na laban niya sa The Country Club (TCC) Invitational Golf Tournament .

Kamakailan, nabawi niya ang No.1 spot sa LPGA nang makamit ang ikaanim na Tour title.

Sa kabila ng pagiging No.1 at liyamado sa laban, hindi isinasantabi ng South Korean golfing sensation ang kahandaan ng iba.

“I still can’t believe that I became top world ranking number one. I think it came so quickly. But I feel I just have to do my best. Better and better for the rest of the season,” aniya.

Target ni Park na makapanalo pa sa Tour, kabilang ang major title.

-BRIAN YALUNG