Bernaldez, kakasa sa US vs Argentinian KO artist

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

ISA na namang lightweight prospect mula sa Sanman Promotions sa katauhan ni Mark Bernaldez ang kakasa laban sa knockout artist na si Christian Ruben Mino ng Argentina sa Marso 22 sa Miami, Florida.

Ito ang unang laban ni Bernaldez mula nang matalo kay world rated Kye MacKenzie noong Oktubre 5, 2018 via 7th round TKO kung saan nagkapabagsakan sila ng Aussie boxer at kaagad itinigil ng referee na si Gary Ingraham ang laban nang muli siyang bumagsak sa 7thround.

May rekord si Bernaldez na 17-2-0 na may 12 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Mino na may 19-3-0 na may 17 pagwawagi sa knockouts.

“This is a tough debut for Bernaldez (in the US). As you see on his record Mino is a beast with a high knockout rate,” sabi ni Sanman CEO Jim Claude Manangquil sa Philboxing.com. ”Bernaldez had several issues in his recent fight in Australia. That is why we got Cuban Coach Moro Fernandez to help improve Mark’s fighting style. He is focused on winning and knows it’s his ticket to bigger fights.”

“I am happy with Coach Moro’s training. His Cuban methods are new to me but I feel like I’m a better fighter under his watch,” sabi ni Bernaldez. “My opponent is tough. I have to be tough but wise. I badly need this win to put my career in the right direction. I am ever grateful to Sanman for giving me this chance”.

-Gilbert Espeña