7-Eleven Tour Sa Clark Global

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MULA sa  matagumpay na ratsada ng 7-Eleven Trail 2019 – premyadong mountain biking event sa bansa – muling ilalarga ng 7-Eleven ang aksiyon, sa pagkakataong ito sa road cycling.

BENOSA: Kampeon sa Timberland.

BENOSA: Kampeon sa Timberland.

Sa nakalipas na pitong taon, naging daan ang nangungunang international chain of convenience stores sa pagsuporta sa road cycling sa isinagawang Tour 700: Bayani ng Barangay. Sa pagkakataong ito hindi lamang elite cyclist bagkus maging ang mga weekend road bike enthusiast ay may pagkakataong sumabak sa 7-Eleven Tour 2019 na lalarga sa Abril 7 sa Clark Global City sa Mabalacat, Pampanga.

Tampok ang dalawang kategorya —  48KM at 106KM – tatahakin ng mga kalahok ang track course sa  Clark Global City, gayundin ang mga kalsada sa SCTEX patungong Subic at pabalik.

Kabuuang 5,000 cyclists mula sa iba’t ibang age group class ang inaasahang makikiisa sa torneo. Inaanyayahan ng 7-Eleven ang lahat ng interesadong lumahok na magparehistro ng maaga sa official website na  https://tour711.com/Ang  huling araw ng pagpapatala ay sa Marso 24.

Kamakailan, umabot sa 3,000 mountain bike riders ang sumabak 30-km at 40-km sa  7-Eleven Trail sa Timberland Heights.

“We chose Timberland Heights from the very start because frankly, there was nothing comparable even then, in terms of terrain and accessibility to MM. Today, with the investment Timberland has put into new trails, there is no other better place anywhere in the country. Perhaps even in South East Asia – I haven’t been around enough to say – and we hope to capitalize on this to make the 7-Eleven Trail Series not just the premier mountain biking event in the Philippines, but in South East Asia as well,” pahayag ni Victor Paterno, President and CEO ng Philippine Seven Corp.

Nanguna sa torneo sina National mainstay Ariana Dormitorio at Alvin Benosa. Naorasan ang 21-anyos na si Dormitorio sa  2 oras,  17 minuto at 22 segunso sa women’s class, habang nakatawid si Benosa sa isang oras, 50 minuto at 8 segundo.

“We envisioned Timberland Heights as a recreational township destination, not just a place to live in but a destination that allows you to discover and experience life in an extraordinary and adventurous way while being cradled by nature’s own perfection,” sambit ni Francis V. Ceballos, Senior Vice President at North East Cluster head ng Filinvest,

“We are delighted to be the venue partner of 7-Eleven for the sixth straight year. We look forward to more competitions here at Timberland Heights,” aniya.