GOOD NEWS: Kababaihan, libre sa MRT

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Libre ang sakay ng mga babae sa MRT bukas.

(MB PHOTO/FEDERICO CRUZ)

(MB PHOTO/FEDERICO CRUZ)

Ito ang magandang balita ng Department of Transportation (DOTr) at Metro Rail Transit (MRT)-Line 3, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

“Magandang Balita: Ang DOTr MRT-3 ay magbibigay ng libreng sakay sa aming mga babaeng mananakay sa darating na ika-8 ng Marso, 2019, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day!” saad sa advisory ng DOTr.

Ayon sa DOTr, maaaring i-avail ang libreng sakay sa MRT simula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga, at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi bukas.

-Mary Ann Santiago