OPBF champ, hahamunin ni Lito Dante

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

HAHAMUNIN ng Pinoy boxer na si Lito Dante ang walang talong si world rated at OPBF minimum weight titlist na si Tsubasa Koura sa Marso 31 sa Asanbashi Hall, Yokohama, Japan.

Dating WBC International miminumweight titlist, inaasahang makikipagsabayan si Dante kay Koura na kilalang knockout artist sa rekord na siyam na knockouts sa 14 na pagwawagi.

Bagamat may kartadang 15-10-4 na may 7 pagwawagi sa knockouts, karamihan sa mga talo ni Dante ay sa mga international bouts tulad nang hamunin niya si IBO minimumweight tilist Simpiwe Koncko na natalo siya sa 12-round unanimous decision noong Hunyo 10, 2017 sa Kempton Park, Johhanesburg, South Africa.

May dalawang talo rin sa puntos si Dante kay WBO minimumweight champion Vic Saludar noong bago ito maging kampeong pandaigdig.

Marami nang tinalong Pinoy si Koura kabilang si Bimbo Nacionales na pinatulog niya sa 2nd round, Philippine challenger Jeffrey Galero na pinahinto niya sa 2nd round at dating world rated Jeysever Abcede na ginampi niya via TKO sa 4th round para matamo ang OPBF title.

-Gilbert Espeña