Gemino, angat sa Mexican rival

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

PINATUNAYAN ni dating Philippine super bantamweight champion John Gemino na may ibubuga siya sa world class boxing nang patulugin si Mexican top rated featherweight Carlos Ornelas sa Centro de Eventos sa Tijuana, Mexico.

Nakipagsabayan si Gemino kay Ornales at nadehado sa palitan ng suntok hanggang sa tamaan ng matinding left hook ang Mexican sa 7th round at hindi na nakabangon.

“In the latest chapter in the boxing rivalry between Mexico and the Philippines, featherweight John “Disaster” Gemino landed a left hook to the chin of Carlos “Chinito” Ornelas to knock him out at 42 seconds of the seventh round on Saturday night at the Centro de Eventos in Tijuana, BCN, Mexico,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “Ornelas had Gemino hurt several times in the fight before getting laid out in sudden fashion.”

Napaganda ni Gemino ang kanyang kartada sa 19-11-1 na may 9 pagwawagi sa knockouts samantalang bumagsak ang rekord ni Ornelas sa 23 panalo, 2 talo na may 12 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña