Nabigong Jeremy Miado nagplaplano ng Comeback Trail

Filed under MMA, ONE Championship Balita RSS RSS Feed

Nawalan ng pagkakataon si Jeremy “The Jaguar” Miado na makaangat sa ONE Championship matapos matalo sa dating ONE Strawweight World Champion Dejdamrong Sor Amnuaysirichoke sa ONE: CALL TO GREATNESS noong Biyernes, Pebrero 22.

“I wasn’t shocked with how DSA performed because I know he really prepare for this bout,” sabi niya.

“Even early on, he was really defensive, he was careful and protected himself quite well.”

Nagkaroon ng magandang simula si Miado sa two-division Lumpinee Stadium Muay Thai World Champion sa magkaibang anggulo. Pero agad ding nakabawi si Dejdamrong sa second round

Inamin ni Miado na nahirapan siya dahil sa kanyang bigat at pansin ito sa kanilang laban.

“What went wrong is that I struggled heavily with my weight, I failed to make the cut three times,” pag-amin niya nang palitan ang catchweight mula 56.9 kilograms sa 56.7 kilograms ng strawweight division.

“Come fight night, I felt really weak, and that’ the reason why we fought at catchweight.”

Nangako si Miado na magbabalik na mas malakas at umaasang magkaroon ng pagkakataon na makakumpleto ng trilogy kay Dejdamrong.

“Now it’s back to the drawing board. I will train really hard for my next opponent – whoever he is,” pahayag niya.

“If I get the win, hopefully I get to fight DSA against to have that trilogy.”