Something nina Ruru at Bianca, ‘di mai-deny sa fans

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

WALA talagang maililihim sa fans, lahat nalalaman nila.

Bianca at Ruru

Gaya na lang ni Ruru Madrid. Nag-post siya ng picture niya na may hawak na red rose at may caption na: “For you my love.”

Napansin ng fans na may post din si Bianca Umali ng taong may hawak na red rose. “Para mi” ang caption ng aktres sa nasabing photo, na “for me” yata ang meaning, kundi kami nagkakamali.

Hindi kita ang mukha ng may hawak ng red rose, na ayon kay Bianca ay para sa kanya. Pero sigurado ang fans na si Ruru ‘yun, dahil pareho silang naka-white.

Walang makapag-comment sa post ni Bianca dahil disable ang comment box niya, kaya sa post ni Ruru nagko-comment ang mga kaibigan at fans ng aktor. Tinukso pa nga si Ruru ng mga kaibigang artista.

Natuwa siyempre ang shippers nina Ruru at Bianca, habang nalungkot naman ang fans nina Bianca at Miguel Tanfelix, at ang fans nina Ruru at Gabbi Garcia. Ang maganda lang, kahit iba na ang special someone nina Ruru at Bianca, professional pa rin sila sa kanilang trabaho.

Maayos ang trabaho at acting ni Ruru sa TODA One I Love nila ni Kylie Padilla, at kinikilig pa rin sa kanila ang fans, kahit alam naman ng lahat na married na si Kylie kay Aljur Abrenica.

Maayos din ang trabaho ni Bianca at focus siya sa taping ng Sahaya nila ni Miguel na malapit nang magsimula ang airing.

Wala tayong maipipintas sa tatlo pagdating sa trabaho, kaya hayaan na natin ang personal nilang buhay.

Samantala, ilang linggo nang airing ang TODA One I Love at magaganda ang reviews nito. Ang Sahaya ay sa second week ng March ang airing, at inaabangan na dahil buhay at kultura ng mga badjao ang itatampok sa nasabing bagong serye ng GMA 7.

-Nitz Miralles