Jo Berry, may acting award agad

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

AYAW palang maniwala ng aktres na si Jo Berry sa nagparating sa kanya na nanalo siyang Most Promising Female Star for Television sa 50th Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), dahil sa mahusay niyang pagganap bilang si Onay sa GMA Telebabad s e r i e s na Onanay.

Jo Berry copy

“Akala ko po ay binibiro lang ako ng nagsabi sa akin, until binati na po ako ni Nanay Nora (Aunor) at ni Ms. Cherie (Gil) sa taping namin,” sabi ni Jo.

“Kaya labis-labis po ang pasasalamat ko sa lahat ng pumili sa akin at salamat din po sa lahat ng sumusubaybay sa aming teleserye.”

Wala pang one year sa showbiz si Jo, pero bukod sa Onanay, napapanood din siyang mag-guest sa ibang shows ng GMA, gaya sa Magpakailanman, kung saan natural na lumalabas ang husay sa pag-arte ni Jo.

Lalo pa siyang humusay sa Onanay. Makasama ba naman niya ang mga icons na sa pag-arte, ang Superstar na si Nora Aunor at ang tinaguriang Primera Contrabida na si Ms. Cherie Gil, bakit hindi siya talaga matututo sa mas mahusay pang pag-arte?

Kaya nga may mga netizens na nagre-request pang i-extend ang Onanay, pero nasa last three weeks na lang ang serye. Ayon kay Jo, mami-miss niya ang masaya nilang set at ang mga kasama sa serye, tulad ng gumanap na mga anak niya, ang mahuhusay na young actresses na sina Mikee Quintos at Kate Valdez, sina Gardo Versoza, Wendell Ramos, at ang direktor nilang si Gina Alajar.

Kaya naman labis ang pasasalamat niya sa gift na ibinigay sa kanya ni Ms Cherie, ang customized bike.

“Kung mortal na magkaaway kami ni Ms. Cherie, as Helena sa serye namin, love na love naman niya ako off-camera. Kaya salamat po Ms. Cherie: ‘I feel so special thank you Ms. @macherieamour and @bambryan @bambike for this beautiful bike you made exactly for me! #bambike #onanay #onanayfam #HelenalovesOnay,” caption siya sa litrato niya habang nakasakay sa nasabing bike na regalo ni Ms Cherie.

Napapanood ang Onanay gabi-gabi, pagkatapos ng Kara Mia.

-NORA V. CALDERO N