Clint, kinastigo sa ‘paglilihim’ sa hiwalayan kay Catriona

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KINUMPRONTA ng ilang netizens si Clint Bondad tungkol sa mistulang pagkakaila niya sa tunay na estado ng relasyon nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, gayung sinabi ng beauty queen na Disyembre pa sila naghiwalay.

Clint copy

Tanong ng isang follower kay Clint: “Why did you guest still in Eat Bulaga as @catriona_gray’s bf, you and her broke up already na pala? Very wrong.”

Malayo ang sagot ni Clint: “Shows don’t always tell you why you are invited LOL. I knew there was a possibility of a bomb exploding coloured powder all over me… How can one say no to that? Hahaha.”

May humirit uli ng tanong: “@clintbondad so it is true? You and Cat broke up?”

Hindi na ito sinagot ni Clint, gayundin ang iba pang mistulang naghihingi ng kumpirmasyon sa paghihiwalay nila ni Catriona makalipas ang anim na taon.

May ibang followers si Clint ang idinepensa ang binata at pinagsabihan ang makukulit nito na wala silang karapatang tanungin ng ganun si Clint. Hindi raw natin alam kung gusto pang i-save ni Clint ang relasyon nila ni Catriona, kung totoo mang hiwalay na talaga sila.

Samantala, walang balita kung nagkita na sina Clint at Catriona simula nang bumalik sa bansa ang huli para sa official homecoming nito.

Sa nakikita namin, okay naman si Clint at masaya siya sa taping ng Love You Two, ang rom-com series nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado. Sa BTS ng taping, sina Clint at Jennylyn ang laging magkasama, nakakaintriga tuloy malaman ang koneksyon ng mga karakter nilang dalawa.

-NITZ MIRALLES