Libreng labor sa Rapide, gamit ang Prestone Motor Oils

Filed under Balita, National / Metro, Sports Balita RSS RSS Feed

KALOOB ang libreng labor para sa gagawing change oil sa piling sangay ng Rapide kung gagamit ng 4-liter G-Tech o 6-liter D-Tech specially marked Prestone Motor Oils.

PRESTONE Oils.

PRESTONE Oils.

Hindi naman kasama sa maililibre ang gastusin sa gagamiting filter at iba pang produkto.

Ang G-Tech Full Synthetic na ginawa para sa gasoline-powered engines, ang pinakabagong produkto ng Prestone na pinaghalong mineral at synthetic blend. Nakapaloob dito ang hydrocracked base oil na may core additive para sa mas maayos na ratsada ng makina ng sasakyan.

Mas maginhawa dahil nalilinis ng G-Tech Advance ang piston ng sasakyan na nagbubunga ng mas mababang kunsumo ng langis at gasoline.

Nababagay ang D-Tech 500 Full Synthetic sa heavy-duty diesel engine oil sa mga sasakyan na pasado sa American at European standards na API, CI-4, ACEA E7, MB 228.3 at Global DHD-1 specifications.

Matatapos ang promo sa Marso 15, 2019. Para sa dagdag na detalye, bisitahin ang Facebook page ng Prestone Philippines.

Ilan sa mga kalahok na Rapide branch sa naturang promo ay ang mga sumusunod: 20th Avenue, Cubao; Banga, Aklan; Antipolo City; Banago, Bacolod City; Baesa, Quezon City; Batangas Pallocan West; Bayombong Rapide; Binan-Canlalay Bremm Building, National Road, Barrio Canlalay, Biñan Province of Laguna at Buendia sa Gil Puyat Ave., Makati City.