Pia, forever fan ni Choi Siwon

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin tungkol sa wax figure ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na mapapasama na sa Madame Tussauds Hongkong, na 10 years ago pala ay nagpa-picture sa figures ng mga tanyag na personalidad sa buong mundo.

Pia copy

Base sa kuwento ng handler ni Pia na si Rikka Infantado-Fernandez, sobrang saya raw ng dalaga dahil hindi niya akalain na pagkalipas ng sampung taon ay makakasama na ang wax figure niya sa tanyag na wax museum sa buong mundo.

Sabi raw ni Pia sa ginanap na pictorial niya sa Madam Tussauds Hongkong kamakailan, “10 years ago, I was so excited to have my picture taken with the wax figures at Madame Tussaud. Ten years later, never in my wildest dreams did I think that I would have my very own wax figure!”

Sa mga nasabing larawan ni Pia 10 years ago ay neneng-nene pa siya at planong ilabas ang mga ito pagkatapos ng unveiling. Kaya abangan ang throwback pictures ng ating Miss Universe.

Samantala, umani naman ng 277k likes at 2,896 comments ang picture na nagpakuha si Pia ng litrato sa tanyag na miyembro ng Korean boy group na Super Junior, si Choi Siwon.

Ang caption ni Pia sa litratong kasama ang wax figure ni Siwon, “This is for the ultimate kilig moment for all K-Pop fans!”

Tudyo naman ni Pia sa followers niya, “can you guess what my wax figure’s pose will be?”

-Reggee Bonoan