Winwyn at Enzo, walang ilangan moments

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NO wonder, kaya pala madaling nagkasundo sina Winwyn Marquez at Enzo Pineda sa simula pa lang ng shooting ng first team-up movie nila, ang Time & Again sa Regal Entertainment Inc., sabay pala silang pumasok sa showbiz.

Enzo at Winwyn copy

“Way back pa kami magkakilala ni Enzo,” sabi ni Win. “Nang-mag-join siya sa StarStruck, ang reality-based artista search in GMA-7, it was also the same time na nag-enter ako sa showbiz. Kaya magkakilala na kami nine years ago pa.

“Nagkahiwalay lang kami nang lumipat siya ng network. At ngayon we’re working together sa Time & Again na kinu-consider ko nang launching movie ko, kasi first time akong naging bida sa movie.

“Nakagawa na rin ako sa Regal Films, with Vhong Navarro, ang Unli Life pero si Vhong Navarro ang bida roon.”

Masaya naman si Enzo na muli silang nagkasama ni Win sa movie.

“Natuwa po ako nang malaman kong ako pala ang napili ni Direk Joey Reyes na makatambal ni Win,” sabi ni Enzo.

“It’s a big honor na makatambal ang ating first Reina Filipina Hispanoamericana. Hindi kami nahirapang mag-communicate with each other at naging comfortable agad kami sa isa’t isa. Sana po makita nila ang chemistry naming dalawa sa mga eksenang ginawa namin.”

Sa pelikula, si Win ay si Apple, no boyfriend since birth, hindi siya naniniwala sa pagkakaroon ng boyfriend, until tinamaan siya ni Cupid nang makilala niya si Ozzi (Enzo).

Natawa si Win nang ikuwento niya kung anong klase ang character niya. Hindi raw siya palabihis at lagi siyang nakakontra sa mga sinasabi sa kanya. Mababago raw ito nang ma-meet niya si Ozzi. Puno raw ng tawanan at sweet moments ang movie nila.

Bukas na, February 20, ang showing ng post-Valentine presentation ng Regal Entertainment, Inc., ang Time & Again, in cinemas nationwide

-Nora V. Calderon