Slater Young at Kryz Uy, kasal na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MATAPOS ang isang isang taong engagement, nagpakasal na ang dating Pinoy Big Brother winner na si Slater Young at ang fashion blogger na si Kryz Uy sa Cebu nitong Sabado.

Slater at Kryz copy

Ginanap ang wedding ceremony sa Shangri-La Mactan Resort and Spa sa Cebu, bayang sinilangan ni Slater.

Na-engaged ang dalawa noong Pebrero nang nakaraang taon sa Niseko, Japan. Noong September 2018, ginanap naman ang kanilang “ting hun” o Chinese engagement.

Kamakailan lang isinagawa ng newly-wed couple ang kanilang pre-nuptial shoot sa Queenstown at Wanaka sa New Zealand.

Bukod sa kanilang mga pamilya at kaibigan, dumalo rin sa seremonya ang “blogger besties” ni Kryz na sina Patricia Prieto, Nicole Andersson, Lissa Kahayon, Laureen Uy at Camille Co.

“Ahhhhh!!! Can’t believe I’m now beside Mr. and Mrs. Young!!! Mabuhay ang bagong kasal! love you both 1/3 of #TheTrio is now married #YoungAndKryzzzie,”post ni Camille.

Unang napanood sa telebisyon si Slater nang sumali siya sa reality show na Pinoy Big Brother, habang si Kryz ay kilala sa kanyang blog na kryzuy.com at sa librong Behind the Blog.

-MARJALEEN RAMOS