San Juan at QC, kumikig sa CBA

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

WINALIS ng San Juan at Quezon City ang kani-kanilang mga katunggali sa pagpapatuloy ng 2019 Community Basketball Association (CBA) Founder’s Cup sa San Juan gym kamakailan.

HITIK sa aksiyon ang mga laro sa Community Basketball Association (CBA), ang pinakabagong liga sa grassroots level, na inorganisa ni dating actor Carlo Maceda. (DIRECT CARLO)

HITIK sa aksiyon ang mga laro sa Community Basketball Association (CBA), ang pinakabagong liga sa grassroots level, na inorganisa ni dating actor Carlo Maceda. (DIRECT CARLO)

Pinabagsak ng San Juan ang Novo Ecijano, 92-80, para sa ika-dalawang dikit na panalo habang naungusan ng Quezon City ang San Mateo, 92-84, sa overtime para magpasikat sa kanilang kampanya.

Nagpakitang gilas sina Noah Lugo, Joshua Saret, Lester Reyes, Christian Bunag, Jonard Clarito at Joseph Ubalde para sa San Juan nina team owners Joey Valencia at Jay Cancio at coaches Randy Alcantara.and Yong Garcia.

Umiskor si Lugo ng 19 puntos, kabilang ang 3-of-5 shooting mula rainbow territory, sa 24 minutong paglalaro para sa Knights Exile, na unang nagwagi 103-74 laban Malabon nitong Feb. 3.

Nag-ambag si Saret ng 16 puntos, si Reyes ay may 12 puntos at nine rebounds at sina Bunag, Clarito at Ubalde ay may tig walong puntos para sa San Juan.

Para sa Novo Ecijano, nanguna sina Juan Romano Tolentino (19 puntos), Stephen Cudal (9 puntos at 7 rebounds) at Clarence Santos ( 9 puntos).

Ang CBA ay itinatag ni actor-director Carlo Maceda. Si Pido Jarencio ay consultant at si Beaujing Acot ay operations head.

Iskor:

(Unang Laro)

Quezon City (92) —Barua 21, Derige 15, Mabayo 14, Tayongtong 13, Raflores 8, Belosillo 6, Gabo 6, Castro 5, De Guzman 4, Alday 0, Palma 0.

San Mateo (84) —Marilao 18, Sevilla 17, Lasco 17, Salcedo 14, Urganay 7, Castillo 6, Magalangcom 5, Duran 0, Egea 0.

Quarterscores: 15-13, 40-36, 57-56, 72-72, 92-84.

(Ikalawang Laro)

San Juan (92) —Lugo 19, Saret 16, Reyes 12, Bunag 8, Clarito 8, Ubalde 8, Bonifacio 6, Marquez 4, Gabawan 4, Astrero 3, Acol 2, Aguirre 2, Resopa 0, Arcusa 0, Garcia 0.