Top mentor sa elims, coach sa PBA All-Stars

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

POSIBLENG maging coach sa darating na PBA All-Star Game ang mga mentors ng kasakukuyang namumunong teams na Rain or Shine at Phoenix Pulse na sina Caloy Garcia at Louie Alas.

Ito’y kung magpapatuloy ang magandang performance ng kani-kanilang koponan sa ginaganap na 2019 PBA Philippine Cup.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, ang coach ng nangungunang dalawang vcoach sa ginaganap na All-Filipino Conference ang magsisilbing PBA All-Star Game mentor sa Marso 31 na gaganapin sa Calasiao, Pangasinan.

Kung magtatapos na magkakatabla ang mga koponan hanggang Marso 10 ay magkakaroon ng tiebreaker.

Ang coach ng nangungunang koponan ang siyang gagabay sa North All-Stars habang ang second placer ang tatayong mentor ng South All-Stars.

Dahil nangingibabaw ang kanilang mga koponan, sina Garcia at Alas ang mga nangungunang kandidato.

-Marivic Awitan