Mag-utol na bigtime drug supplier, huli

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

SAN FABIAN, Pangasinan – Dalawang umano’y bigtime supplier ng droga ang magkasunod na nadakip ng mga awtoridad sa San Fabian at Dagupan City, nitong Linggo.

Sa report ng Pangasinan Provincial Police, ang dalawang suspek ay kinilalang sina Jolito Largo, alyas “Joshua” na naaresto sa bahay nito sa Barangay Poblacion, San Fabian, at Jibson Largo, alyas “Nonnon” na nadakip naman sa Bgy. Bonuan, Boquig ng nasabing lungsod.

Ayon kay Senior Supt. Wilson Joseph Lopez, provincial director sa Region 1, ang magkapatid ay inaresto ng PNP sa tulong na rin ngf Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Matagal na umanong nag-o-operate ang magkapatid sa rehiyon, ayo sa mga awtoridad.

Nahuli sa pag-iingat ng dalawa ang 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P500,000.00, isang magazine ng baril at mga bala ng 9mm pistol.

-Liezle Basa Iñigo