Kyline, gusto pa ring magkontrabida

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MASUSUNDAN this year ang trip abroad ni Kyline Alcantara dahil makakasama siya sa show ni Alden Richards sa New York sa May. Makakasama rin nila ang The Clash champion na si Golden Cañedo sa show sa New York.

Kyline copy

Sa Singapore ang first trip abroad ni Kyline nang tumanggap siya ng award para sa Kambal Karibal. Ang susunod niyang paglabas ng bansa, ay sa New York na at para sa isang show. Siguradong masayang-masaya si Kyline sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng GMA Artist Center at GMA Network.

Samantala, kahapon ay nag-pilot na ang Inagaw Na Bituin na dalawa pa rin ang karakter na ginagampanan ni Kyline. First time na magbibida sa isang teleserye si Kyline, kaya excited at kinakabahan siya at the same time.

“Kabado ako sa magiging feedback ng viewers sa karakter ko sa Inagaw Na Bituin dahil mabait ako rito, wala akong aawayin, ako ang aawayin at aapihin. Nasanay sa akin ang viewers na mapanood akong bad girl, this time, mabait ako, mabait na anak at mabait na kapatid.

“Nagpapasalamat ako sa GMA-7 sa chance na magbida ako, pero gusto ko pa ring gumanap na kontrabida sa mga susunod na teleserye,” wika ni Kyline.

-NITZ MIRALLES