John, parang hindi ‘working’ ‘pag kasama si Sharon

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MATAGAL nang hindi nag-a-update sa Instagram (IG) si Sharon Cuneta, hindi siya nagbabalita ng kahit ano, kahit may kinaalaman pa ito sa showbiz career niya. Tuloy nami-miss siya ng supporters at bashers niya dahil nga walang balita sa kanya.

Sharon at John copy

Kaya naman ganu’n na lang ang pasasalamat ng fans ni Sharon kay John Arcilla dahil nag-update ang aktor tungkol kay Mega sa IG niya. Magkasama kasi sina Sharon at John sa Reality Entertainment movie na Kwaresma kaya nakakapag-share si John sa fans ni Sharon ng balita tungkol sa favorite actress nila.

“Amazing, fun and sensible days with @reallysharoncuneta. I would love to work and recreate with you again. I don’t really feel we are ‘working’. Our behind the scene chats are as significant as our takes. It’s like everything is a continuous flow of spontaneous situations. Splendid. #nodullmoments.”

Ang bago, gaganap na mag-asawa sina Sharon at John sa Kwaresma na mula sa direksiyon ni Erik Matti, at sa May ang playdate ng pelikula. Sa Baguio ang shooting ng naturang horror movie.

-Nitz Miralles