Binangonan, umarya sa CBA

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

SUMANDIG ang Binangonan sa matikas na all-around game nina Ernest Oduca at Miguel Agulto para gapiin ang Pasigueno, 104-89, kamakailan sa Community Basketball Association (CBA) Founder’s Cup sa Binangonan Recreation and Conference Center sa Manila East Road, Barangay Batingan, Binangonan.

Hataw si Oduca sa natipang 24 puntos, kabilang ang tatlong three-pointer , habang kumana si Agulto ng double-double — 18 puntos at 16 rebounds. Nag-ambag sina Filepe Chavez at Ivan Cuyong ng double digits para sa Binangonan na umabante sa pinakamalaking 17 puntos.

Kumana sa Pasig sina Joshua Diaz, Jerome Clarences, Jonathan Boholano, Francis Ronquillo at Rorot Pinili, ngunit bigo silang sundan ang matikas na debut, 79-65, laban sa Rizaba.

Sa opening day, nagwagi ang San Juan sa Malabon, 103-74.

Kumabig sina John Acol at Noah Lugo sa pinagsamang 41 puntos para sa San Juan bukod sa siyam na rebounds at walong assists. Tumapos si Acol na may 22 puntos mula sa 6-of-9 shooting sa three-point area.

Nanguna sina James Castro at Jessie James Collado sa naiskor na tig-20 puntps para sa Arceegee Sportswear-Malabon team.

Para sa dagdag na detalye at kompletong iskedyula t resulta, sisitahon ang CVBA facebookl at manood ng live sa Glitter Livestream.

Iskor:

Binangonan Slashers (104) –Oduca 24, Agulto 18, Chavez 14, Cuyong 10, Alade 9, Colot 8, Valle 8, Picones 5, Leal 4, Anore 4, Roca 0, Tumalon 0

Pasigueno (89) — Diaz 14, Clarences 14, Boholano 13, Ronquillo 11, Pinili 11, Reyes 10, Fajardo 8, Jacinto 7, Tilos 1, Trinidad 0, Gallano 0

Quarterscores: 26-15, 56-48, 74-66, 104-89