Aktor, iritable sa ka-love team

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TRULILI kaya na iritable ang isang aktor ngayon dahil apektado ang career niya sa pinaggagawa ng ka-love team niya?

In passing ay naikuwento ng taong malapit sa aktor na naiirita ang huli sa nangyayari ngayon sa ka-love team niya dahil apektado ang career niya. Bagamat may mga offers pa rin sa kanya, ramdam niyang nababawasan na ang mga ito.

Mabuti na lang daw at alaga siya ng network niya, kaya maski paano ay maraming press releases na lumalabas tungkol sa mga projects niya.

“Kapag magkasama sila ni (ka-love team), nakangiti naman, pero halata mong iba na. Hindi na siya kasing saya nu’ng dati. Alam mong may nagbago na sa kanila ni girl,” saktong sabi sa amin ng taong malapit sa aktor.

May niluluto raw na pelikula para sa aktor at sa ka-love team niya.

“Eh paano itutuloy, ‘asan si girl? Hindi naman na sila sweet? Kapag nagkikita off-cam, waley naman. ‘Pag on-cam, kunwari ang saya nila, pero waley. Pansinin mo sa mga mata nila?”

Hindi ba kaya ni aktor na mag-solo nang wala ang ka-love team?“Kaya naman, kaso siyempre dapat partner sila. Mas malakas kapag silang dalawa,” sey sa amin.

‘Yan ang hirap kapag nakilala ka nang may ka-partner o ka-love team. Kapag nahiwalay na, nagkakaproblema sa career ng isa o puwede ring pareho sila.

Pero para sa amin, kung magaling kang umarte talaga at marami kang talent, hindi ka matatakot na maiwang mag-isa, ‘di ba, Ateng Jet?

-Reggee Bonoan