P.90 idadagdag sa gasolina

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Pangungunahan ng Shell at Petro Gazz ang oil price hike bukas.

HIKE

Sa abiso ng Shell at Petro Gazz, epektibo dakong 6:00 ng umaga bukas, Pebrero 12, ay magtataas ang mga ito ng 90 sentimos sa kada litro ng gasolina, at P0.55 naman sa diesel.

Bukod pa rito ang P0.85 na dagdag-presyo sa kada litro ng kerosene ng Shell.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kaparehong taas-presyo, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Enero 29 nang nagtaas ng 55 sentimos sa diesel, 40 sentimos sa kerosene, at 20 sentimos sa gasolina.

-Bella Gamotea