Nietes, nais ang unification bout bago si Palicte

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

MALAKI ang tiwala ni ALA Promotions president Michael Aldeguer na hindi mahuhubaran ng korona si WBO super flyweight champion Donnie Nietes kung hindi kaagad magre-rematch sa kababayang si mandatory challenger Aston Palicte.

Plano ni Aldeguer na ikasa si Nietes sa unification bout sa magwawagi kina WBC super flyweight titlist super flyweight king Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand at Mexican Juan Francisco Estrada o humarap kay WBA super flyweight titleholder Khalid Yafai ng Unied Kingdom.

“In the bylaws of the WBO, if it’s a unification, it could be considered a mandatory fight. You can check on Section 7 of the WBO bylaws. We are hoping something comes up,” pahayag ni Aldeguer.

Gusto ni Nietes ang malalaking laban sa junior bantamweight division kaya hahamunin niya ang magwawagi kina Srisaket at Estrada o kakasa kay Yafai.

“The Palicte fight is still on the table but we are working on other options. I can’t divulge it yet until we finalize everything,” dagdag ni Aldeguer.

Hindi rin binabanggit ng 36-anyos na si Nietes kung gustong makalaban ang isa pang kampeon sa dibisyon na si IBF super flyweight ruler Jerwin Ancajas na Pilipino rin.

Iniutos ng WBO sa mga promoter nina Nietes at Palicte na magnegosasyon para sa rematch makaraang magtabla ang dalawa sa una nilang laban noong nakaraang Setyembre 6 sa Inglewood, California.

Natamo ni Nietes ang bakanteng WBO super flyweight title sa pagtalo sa puntos kay Kazuto Ioka ng Japan noong nakaraang Disyembre 31 sa Macau, China samantalang pinatulog sa 2nd round ni Palicte si Puerto Rican Jose Martinez noong Enero 31 sa Alpine, California para maging mandatory challenger ni Nietes.

-Gilbert Espeña