Jimuel Pacquiao, nagpakitang-gilas sa unang boxing match

Filed under Boxing, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KINALABAN ni Jimuel Pacquiao, panganay na anak ni Manny Pacquiao, si Lucas Carson sa isang amateur boxing fight nitong Sabado ng hapon sa Alabang.

Jimuel

Mukhang namana ni Jimuel, 18, ang tikas kanyang ama sa boxing ring dahil sa malalakas na bigwas ng kanang kamay nito kay Lucas, na todo naman ang pag-ilag sa mga suntok.

Gayunman, mukhang kinakabahan pa rin ang right-handed na si Jimuel sa kanyang ‘debut’ sa mundo ng boxing dahil marahil sa rami ng taong nanonood sa kanila.

Tumagal ang laban ng dalawang round dahil halatang nanglalata na dalawang batang boksingero matapos ang mabilis at mapangahas na unang round.

Sa huli, idineklarang tabla laban.

Hindi nakapanood at nakapag-coach si Manny sa laban pero kinausap muna niya si Jimuel bago magsimula ang sagupaan.

Bilang paghahanda, nag-ensayo si Jimuel sa ilalim ng pamamahala ng dating world champion na si Rodel Mayol sa Wild Card Boxing Club sa Los Angeles noong nakaraang taon.

-NICK GIONGCO