Dasal ng fans, bumait na sana si Kate

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

NAKAKAANTIG talaga ang kuwento ng Onanay. Sa afternoon series ng GMA 7, handa si Onay (Jo Berry) na isakripisyo ang sarili para lang mailigtas ang anak na nawalay sa kanya, si Natalie (Kate Valdez).

Kate-Valdez copy

Dahil dito, huli na nga ba ang lahat para lumambot ang puso ng dalaga sa kanyang ina, na nasa peligro ang buhay?

Ang fans, hindi na magkamayaw sa pakiusap na sana ay maayos na ang samahan ng mag-iinang Onay (Jo), Natalie (Kate) at Maila (Mikee Quintos).

Ipinagdarasal pa nila na sana raw ay lumambot na ang puso at damdamin ni Natalie sa kanyang tunay na inang si Onay, na isasakripisyo ang sarili para mailigtas ang anak sa mga kidnappers.

Si Onay na ang nagparaya na mahuli ng mga kidnappers para patakasin si Natalie, at inilibing siya nang buhay ng mga kidnappers. Wow, dakilang ina, devah?

Well, sabi nga ng fave quotation ni Yours Truly: “Sacrifice is the key to Paradise.” Yes, may ganernn!

Abangan na lang ninyo ang susunod na mga kaganapan sa Onanay pagkatapos ng Cain at Abel sa GMA Telebabad, gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes.

-Mercy Lejarde