Perpetual spikers, asam ang NCAA sweep

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

SUSUBUKAN ng University of Perpetual Help System Dalta na makamit na ang bibihirang “volleyball triple sweep” sa target nilang pagtapos ng tatlong division finals- women, men at juniors ng NCAA Season 94 volleyball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Tinalo ng Lady Altas ang reigning women’s champion Arellano University Lady Chiefs, 21-25, 25-17, 25-21, 25-20 noong Game One at sisikapin nilang makumpleto ang upset sa muli nilang pagtutuos ngayong Game Two ganap na 4:00 ng hapon.

Mauuna rito, tatangkain naman ng defending men’s champion Altas na makumpleto na ang season sweep sa pamamagitan ng muling paggapi sa College of St. Benilde Blazers na pinahirapan sila noong Game One bago yumukod sa loob ng limang sets, 23-25, 25-19, 23-25, 25-23, 15-12 .

Season sweep din ang target ng reigning titlist Junior Altas sa tangkang pagduplika ng pagwalis sa Letran Squires noong Game One, 25-15, 25-19, 25-19.

Target ng season host UPHSD ang pang-4 nilang women’s crown, pang-12 men’s title at 11th juniors’ championship.

“We’re close to achieving something special and we’re going for it,” pahayag ni Sammy Acaylar, ang kasalukuyang UPHSD athletic director at men’s volleyball coach.

Gayunman, nangako ang Lady Chiefs at si coach Obet Javier na sisikapin nilang makabawi para sa tsansang maipagtanggol ang hawak na titulo.

-Marivic Awitan