Kagawad na electrician, nakuryente tigok

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CAMP JUAN, Ilocos Norte – Nasawi ang isang barangay kagawad na isa ring electrician sa kanilang lugar nang makuryente ito habang inaayos ang sumabog na electric wire sa Bgy. Nagbacalan, Paoay, Ilocos Norte, nitong Miyerkules.

Ayon kay Paoay police chief, Senior Insp. Eddie Suyat, dead on arrival sa pagamutan si Villamor Menor, 56, dahil sa lakas ng boltaheng dumapo sa katawan nito.

Sinabi ni Suyat, inakyat ni Menor ang isang poste ng kuryente upang ayusin ang sumabog na linya nito at habang inaayos ay biglang nahawakan nito ang isang live wire hanggang sa ito ay mangisay.

-Freddie G. Lazaro