2 estudyanteng nagse-selfie, nalunod

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

BAGGAO, Cagayan – Dalawang estudyante ang nasawi matapos na malunod habang nagse-selfie sa Fulay River sa Zone 3, Barangay Poblacion, Baggao, Cagayan, kamakailan.

Kinilala ni SPO1 Raquel Tagudin, investigator on case, ang dalawa na sina Judy Espiritu, 13, ng Poblacion, at May Delos Santos, 13, ng Bgy. Canaggatan, Baggao, Cagayan, at kapwa estudyante ng Baggao National High School.

Sa report ng Baggao Police, nagtungo ang grupo nina Espiritu at Delos Santos, sa tabi ng nasabing ilog upang gawin ang kanilang project, kasama ang apat pang kaklase na sina Sandra Sorita , Kaycee Galla , Nicole Nara at Daniela Suriaga, nitong Pebrero 5, dakong 2:00 ng hapon.

Niyaya umano ng dalawa ang apat na kaklase upang maligo sa ilog at habang naliligo ay nagse-selfie pa umano sina Espiritu at Delos Santos at nagkukunwari silang nalulunod.

Bigla umanong tinangay ng malakas na agos ang dalawa hanggang sa malunod.

-LIEZLE BASA IÑIGO