Young star, nagpaka-diva sa show

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MUKHANG hindi na makakaulit ang young star sa producer na kumuha sa kanya para sa isang out of town show dahil pinakitaan niya ng hindi maganda ang mga staff na nag-assist sa kanya.

Kilala namin ang mga staff ng producer kaya naka-tsika namin at nabanggit na, “diva pala siya. Posible naman talaga sa isang show na nababago ang sequence guide ‘di ba? Depende kasi ‘yun sa artists at saka sa gusto rin mismo ng tao. Si (young star) nausog ang number, nagalit at bakit daw nausog, e, kailangan niyang umalis kaagad.

“Reggee, okay naman sana ‘yung ganu’n, kaso hindi maganda ang approach niya, diva-divahan siya. E, si (producer), laging nagtatanong sa amin kung okay ang mga artist, at sino ang gusto ng tao, sino ang may malakas na feedback.

“In fairness, marami namang nakakakilala sa kanya, pero ‘yung ugali niya, hindi namin gusto. So ito ang ire-report namin sa producer, tama ba kami?”

Nakalulungkot na ganito ang impression sa young star, baka may bad day lang siya sa oras ng show kaya nakapagsalita ng hindi maganda.

Well, lesson learned sa mga artist na sana maging nice sa lahat ng tao dahil hindi naman lahat ay maiintindihan kayo lalo na ‘yung mga hindi taga-showbiz.

-Reggee Bonoan