Alarm clock na nagtitimpla ng kape, viral

Filed under Balitang Weirdo, Features Balita RSS RSS Feed

Kakaibang alarm clock ang ibinebenta ngayon ng isang British company na idinisenyo para mas maging madali ang paggising sa umaga—ito rin kasi mismo ang magtitimpla ng kape para sa iyo.

ALARM CLOCK

Inilabas ngayong taon sa CES exhibition ang Barisieur alarm clock, na may opsiyon para sa pagbu-brew ng kape o tsaa.

Hindi lang yan, meron din itong cooled chamber na maaaring pagtaguan ng gatas o creamer para sa gusto mong timpla ng kape.

Inspired ang alarm clock sa isang vinyl record player, at nagkakahalaga ng $445.

UPI