BVR Tour, lalarga sa LuzViMinda

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

MULING matutunghayan ang kariktan at husay ng mga premyadong beach volleyball player sa pagpalo ng pinakapopular na beach volleyball circuit – ang Beach Volleyball Republic on Tour – ngayong taon tampok ang walong stage.

MAPAPANOOD ang galing at ganda ng mga local beach volleyball players sa walong leg ng BVR Tour.

MAPAPANOOD ang galing at ganda ng mga local beach volleyball players sa walong leg ng BVR Tour.

Matapos ang matagumpay na third season, kabilang ang pamosong summer capital sa bibisitahin ng BVR para sa unang leg ng torneo sa Pebrero 27-28.

Host ang Puerto Galera sa ikalawang leg sa March 9-10, kasunod ang Santa Fe, Bantayan Island z Cebu sa March 23-24.

Darayo ang Tour sa Dumaguete City, ang may pinakamamaraming crowd sa Tour, sa Marso 30-31.

Gaganapin ang National Championship sa April 12-14 sa pinipili pang venue, habang ang iba pang leg ay ipahahayag sa mga susunod na araw.

Para sa karagdagang detalye, sundan ang BVR sa Facebook, Twitter at Instagram.