Sunrise, nakaagapay ang Go For Gold

Filed under Golf Balita RSS RSS Feed

PATULOY ang suportang ipinagkakaloob ng Go for Golf Team sa mundo ng palakasan.

Kamakailan lamang ay nakipag sanib-puwersa ang Go For Gold na pinamumunuan ni Jeremy Go sa Sunrise Events na siya namang hawak ni Wilfred Uytengsu ng Alaska.

Ang nasabing team up ay para sa isasagawang Sunrise Sprint Series na magaganap ngayong darating na Abril 28 na gagawin sa Cebu City, kasunod ng Davao leg sa Hulyo 7 at ang subic leg sa Nobyembre 3.

Ihahalintulad ang Sprint races na ito sa 5150 triathlon na siyang Olympic distance IRONMAN proyekto din ni Uytengsu.

Ang Go for Gold Sunrise Sprint Race ay may kontratang tatlong taon kung saan ito ay bukas sa mga kalahok na na may 15-pataas kung saan isusunod sa age breakdown ng IRONMAN races.

Ayon sa tinaguriang “The Godfather” ng mga atleta na si Jeremy Go, patuloy siyang susuporta sa mundo ng palakasan kung kinakailangan upang patuloy na makahanap ng magagaling na atleta na maaring maging kinatawan ng bansa sa pagsabak sa mga kompetisyon gaya ng SEA Games, Asian Games at maging sa Olympic Games.

“Go for Gold will continue to support grassroots and development programs in our search for young and promising athletes that will represent our country. The search for excellence is a continuing and long term process specially in sports. we will be part of the journey,” pahayag ni Go na siyang Vice President for Marketing ng Powerball and Logistics Corporation.

Sinabi naman ni Uytengsu na masaya siya sa pakikipag sanib-puwersa sa Go for Gold kaya naman tiniyak niya na magiging produktibo ang susunod na tatlong taon na pakikipagtuwang niya sa grupo ni Go.

“It is going to be an exciting three years of partnership with Go For Gold,” ani Uytengsu.

-Annie Abad