Kilalang personalidad, bored dahil walang project

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MISMONG mga kaibigan ng kilalang personalidad ang naloloka sa mga pinaggagawa nito lately dahil kung anu-anong isyu ang kinasasangkutan nito.

“I’m sure, bored na naman ‘yan sa buhay niya, wala na naman kasi siyang ginagawa, walang project, kaya hayun, maghapon nagtse-check sa social media,” sabi ng kaibigan ng kilalang personalidad.

Nabanggit pa ng isa pang kaibigan na celebrity: “Ang style niya, magyayaya ng friends para gumimik tapos pag-uusapan nila kung sinu-sino para may topic sila, e, siya (kilalang personalidad) lang naman tsika nang tsika, ‘yung ibang friends umaayon pero ‘yung iba nakikingiti lang.”

“Baka wala na namang extra money for shopping,” hirit naman ng isa pang kaibigan sabay iling.

Hindi kami dikit sa kilalang personalidad, pero for a while ay nakilala namin siya sa isang event at marami na kaming napansin sa kanya. Gusto niyang siya lagi ang bida sa grupo, kuda nang kuda at ipinagyayabang ang mga suot na alahas.

Pero hindi naman lahat ng kaibigan ng naturang kilalang personalidad ay gusto siya, lalo na pagdating sa personal nitong buhay dahil ayaw nilang ma-associate sa mga pinaggagawa nito na siguro naman ay pansin niya dahil unti-unti na siyang iniiwasan.

Nakakaawa ang kilalang personalidad dahil panay ang kuda niya tungkol sa mga mamahaling materyal na bagay na mayroon siya pero hindi naman niya iyon pinaghirapan dahil lahat ay regalo sa kanya.

Bakit siya nireregaluhan? Siguro kasi magaling siyang bumoka at makisama.

-REGGEE BONOAN