P240M sa 6/55, nasolo ng Cebuano

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Nasa P240 milyon ang solong napanalunan ng isang tumaya sa Grand Lotto 6/55 mula sa Cebu City, makaraan niyang matsambahan ang anim na masusuwerteng numero sa bola nitong Lunes ng gabi.

Isang lotto outlet sa Maynila (MB, file)

Isang lotto outlet sa Maynila (MB, file)

Binili ng tumaya ang kanyang ticket mula sa outlet na nasa lower ground floor ng SM City Cebu, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang winning combination ng Grand Lotto 6/55 ay 17-07-38-08-05-10. May kabuuang jackpot ito na P239,204,944.
Ayon sa PCSO, babawasin pa sa jackpot ang 20 porsiyentong buwis, alinsunod sa TRAIN Law, na nangangahulugan na makakakuha ang gobyerno ng P47,840,988 mula sa nasabing jackpot.
Iuuwi naman ng nanalo ang P191,363,955 cash makaraang bawasin doon ang buwis.
Para kubrahin ang limpak-limpak niyang napanalunan, pinapayuhan ang mananaya na magdala ng dalawang valid ID at ipakita ang winning ticket sa prize claim section ng Accounting and Budget Department sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

Jel Santos