Bullpups, umusad sa UAAP football finals

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

NAKOPO ng National University ang unang slot sa Finals matapos ang scoreless draw kontra titleholder Far Eastern University-Diliman nitong Linggo sa UAAP Season 81 juniors football tournament.

Tangan ng Bullpups ang 15 puntos para pangunahan ang liga, habang ang Baby Tamaraws ay may 14 puntos.

Ginapi ng Ateneo ang De La Salle-Zobel, 7-1, para umusad sa ikatlong puwesto na may 11 puntos.

Matapos maitala ang unang iskor, nabokya na ang Junior Archers at walang nagawa sa ratsada ng Blue Eaglets sa pamamagitan nina Jethro Paraso, Stephen Herrera, Luard Abaa, Justin Uy, Marcus Bricia at Hugh Soriano.

Naibigay ni Juan Miguel Basmayor ang tanging goal sa De La Salle-Zobel.

-Marivic Awitan