Baby boy nina Marian at Dong, mahiyain

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA presscon ng mag-inang Marian Rivera at Letizia Dantes ng first TVC ni Zia, ipinakita ng panganay nina Dindong Dantes at Marian kung gaano kabibo ang 3-year-old daughter nilang si Zia. Kahit nga ang tanong sa kanya tungkol sa kanyang pagiging soon na Ate ay sinagot niya na baby boy ang magiging brother niya.

Marian

Kaya nakumusta kay Marian ang coming baby nila ni Dong na hanggang ngayon ay hindi pa sinasabi kung ilang buwan na. Pero sa latest picture ni Marian, makikitang malaki na ang tummy niya at wala pa ring name ang baby boy. Pero nagbahagi ng ilang kuwento si Marian tungkol sa kanya.

Sa latest sonogram daw nito ay kitang kamukha rin ni Dingdong ang baby boy nila.

“Kaya outcast na naman ako sa kanilang mag-aama,” biro ni Marian. “Kasi silang tatlo na ang magkakamukha.”

Dagdag pa ni Marian: “Mahiyain ang baby boy namin, kaysa kay Zia. Nang ipa-ultrasound namin noon si Zia pino-4D namin gumagano’n siya (nagpo-pose). Ito gumagano’n (nagtatago). Kinausap namin, sabi namin ‘anak magpakita ka naman isa lang, ginawa niya, gumano’n (sumilip) lang siya. Kaya baka pilyo rin ito tulad ng ‘Cain at Abel’ lead star (Dingdong).

“Naku, excited na kaming ipakilala sa inyo ang aming baby boy,” sabi pa ni Marian.

Si Dingdong ang nagsabi nang huli naming makausap sa set ng Cain at Abel na napapanood gabi-gabi sa GMA 7 after ng 24 Oras, na March or April magsisilang si Marian.

-NORA V. CALDERON